Wednesday, August 31, 2011

Anak ng Messkit by Epol Drigen on Tuesday, August 30, 2011 at 10:13am


Mga nagrarally: Education budget dagdagan, dagdagan! Military budget, kaltasan, kaltasan!
Ako: ouch naman, wag naman!
Pano naman, buong buhay ko military budget na ang bumuhay samin. Hindi heneral o koronel o tinyente and tatay ko ordinaryong enlisted lang ho.

Bakit nga ba ako nasuot sa ganitong sitwasyon? Ah… kasalanan na un ng tadhana.

Kasi kung isisisi ko ito sa nanay ko na laging tunog ultimatum ang salita eh maiintepret ng mga psychologist na meron akong repressed childhood emotions o mas malala, na battered child ako with lemon juice! U

Tapos ayan na, welcome to baguio na ako. Uso si erap noon taong 2000. Uso din ang 5110. Tapos astig ka na pag naka 3210 ka. Pag ang cellphone mu naka infra red, ibig sabihin rich kid ka. Ang dolyar nuon 35 pesos. And gasolina 50 pesos. Ang flag down sa taxi 14 pesos. Ang sayote 2 pesos per kilo. Hindi uso ang galunggong masyado, kasi bangus ang mas mura.

Hindi naman masyadong mahirap mabuhay sa baguio. It’s the lovliest place in the Philippines next to Ilocos norte siyempre, pero may ibang feeling ang baguio. Kung ang Ilocos norte ay home, ang baguio ay falling in love.

Ibat ibang klase ang tao. Nakasalamuha ko sila lahat ang nasilip ko ang karamihan sa mga istorya nila. Halos parepareho lang kami. Sa ibat ibang lugar lang galling. Madami din akong nakilalang kapwa anak ng mess kit. Pero hindi ibig sabihin nun na nagging close ko sila lahat. Katanguan pag nagkakasalubong siguro pero hindi ung sobrang rubbing elbows. Kasi yung mga iba anak ng heneral, koronel, tinyente, kapitan, e ako anak nga ng enlisted. Astig na pag nag tactical NCO ang tatay mo pag enlisted sya.

As usual, hindi na naman ako sumampa sa upper bracket, lagi akong lower o middle mapa height, IQ, economic status at iba pa. pero ayos lang sakin. Nandyan naman ang GMA where you belong.

Natural na magkaroon ako ng culture shock. Nung una nasasaktan ako kapag sinasabi nilang mga berdugo daw ang mga sundalo kasi hindi naman yun totoo sa lahat. Ni hindi nga kami pinapalo ng tatay ko.

Nung lumaon, natutunan kong makinig ng hindi man lang kumukurap kapag sinasabi nilang yon. Kasi sabi ko opinion nila yun.

Isang opinion na umukit na sa kanilang mga kamalayan. Kaisipang nahulma sa tagal ng panahon para malilok sa lipunang mapagtanim ng galit at sama ng loob. Lipunang mapag-imbot, madamot ngunit naghahangad ng sobra, walang ginagawa pero naghihintay ng kapalit. Ang punto, its nothing personal.

Madami pa akong natutunan. Na ang mga tao ay hindi talaga sa pang labas na anyo nakikilala. Hindi din sa score sa bluebook, o paper o sa gara ng gamit. Nakikilala mo sila sa kusang loob mong pagtityaga para kilalanin sila. Sa pag ibig totoo ang sinabi nuon ng Apo Hiking society, mahirap talagang magmahal ng syota ng iba.

Taong 2001, first quarter, February, hindi ko na talaga maalala ang saktong petsa. Dito ko unang naranasan ang sumama sa rally, ang intension naming magkakaklsmeyt sumama sa rally hanggang makaabot sa sakayan papuntang mall, hindi SM Baguio ang tinutukoy ko. Pero ang nangyari napilitan kaming sumunod sa agos ng tao hindi dahil hindi kami makaalis kundi dahil kakaiba ang pakiramdam ng nasa gitna ka at kasama ka sa isang pangkat ng maraming tao na may iisang kaisipan.

Education budget dagdagan, dagdagan! Military budget, kaltasan, kaltasan!

Dun ako nagising. Naisip ko, hindi ko ito pwedeng isigaw. Hindi dahil hindi tama ang isinisigaw nila kundi dahil naniniwala ako na kapag binasag ko ang katahimikan ko babasagin ko rin ang pundasyon na ginawa ng mga magulang ko para sa akin. Hindi malayo sa katotohanan ang isinisigaw nila pero ang alam kong totoo ay gaano man kalaki ang military budget nayan ay hindi parin naman kami nagapagpatayo ng magandang bahay o nakapag pundar ng mga magagandang gamit o nakapag aral sa mamahaling eskwelahan.

Kaya kung kakaltasan pa yan, barya nalang ang matitira sa tatay ko. Sa amin. Walang taong nabuhay dahil lang sa pangangarap. Wala ding taong umunlad dahil sa pangbabatikos lang.

Kung hindi mo kayang baguhin ang lahat mag isa, baka hindi mo dapat baguhin lahat. Pero kung gusto mo talaga maghanap ka ng mga kasama mo na magiging katuwang mo sa pagbabagong ito, at baka sakali sa pagbabagong ito sasabay at susulong ang pagbangon. Hind para sa iisa lamang, grupo man o institution kung hind para sa tunay kapakanan ng pangkalahatan.

Pwede yun.

Tama lahat ang tunguhin ninyo ngunit sa ibat ibang perspektiba lang kayo nanggagaling. At may punto sa tahaking iyan na mistula kayong magkakasalungat lahat ngunit sa mususing paghihimay ay may sugpungan pala ang mga salisalimbat ninyong pananaw.

Hindi ako sang ayon sa laging pag kompromiso. Mayroong tama at mali. Kailangan lang ng maayos na ugnayan. Umamin ang mali, magbago at tanggapin ito ng walang pagmamalaki ng kung sinuman ang tama.

Followers